Home METRO PAF naghatid ng tulong sa DavOr; rumesponde sa forest fires sa Benguet

PAF naghatid ng tulong sa DavOr; rumesponde sa forest fires sa Benguet

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Air Force (PAF) na tumulong ito sa ilang disaster response missions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Naghatid ang helicopters ng pwersa nitong Miyerkules ng 210 kahon ng relief supplies sa mga komunidad na labis na apektado ng pagbaha at landslides sa lalawigan ng Davao Oriental kamakailan.

Sinabi ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo na mula ang helicopters sa Tactical Group 11 at binubuo ng B-412 CUH at UH-1H.

Dahil dito, naihatid ng PAF ang relief supplies sa Sitio New Dahican sa Barangay Old Macopa, Manay, Davao Oriental.

“The PAF’s relief operations underscore its commitment to serving communities during times of disasters and calamities,” ani Castillo.

Nito ring Miyekules, rumesponde ang “Super Huey” helicopter, pinalipad ng 505th Search and Rescue Group sa dalawang forest fires sa Benguet — isa sa Mount Camisong sa bayan ng Itogon at isa pa sa Barangay Adonot sa bayan ng Bokod.

“Performing a series of heli-bucket operations, the aircraft collected water from the Sto. Tomas Water Reservoir and Banao River,” dagdag niya.

Idinagdag din ni Castillo na nakikipag-ugnayan ang Tactical Operations Group 1 sa ilalim ng Tactical Operations Wing Northern Luzon ng PAF, sa Office of Civil Defense Cordillera, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang local government agencies, upang talakayin ang fire suppression strategies.

“No casualties have been reported, while the BFP is still determining the cause of fire,” pahayag niya. RNT/SA

Previous articleTINGNAN: ‘Heart 2 Heart Talk on Optimal Cholesterol Control’ event sa Mandaluyong
Next articleTruck sumalpok sa arko, 2 sugatan