Home NATIONWIDE PAF, US Air Force nagdaos ng ‘austere’ medical care drills

PAF, US Air Force nagdaos ng ‘austere’ medical care drills

MANILA, Philippines – Para masiguro ang malakas na kapasidad ng mga medical personnel sa battlefield conditions, nagdaos ang Philippine Air Force (PAF) at United States Air Force (USAF) ng hands-on “austere/expeditionary medical care with mass casualty simulation exercise” sa Clark Air Base sa Mabalacat, Pampanga.

Ang subject matter expert exchange (SMEE) na ito ay naganap mula Agosto 15 hanggang 16, ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo.

“The SMEE, which was held from August 15-16, 2023, (also) brought together medical experts from the PAF, USAF, Indonesian Air Force, and Royal Malaysian Air Force. This activity is part of the PAR-23 (Pacific Airlift Rally 2023) which aims to identify optimal approaches for establishing a collaborative operational framework to address medical challenges in contested environments with limited resources,” pahayag ni Castillo nitong Miyerkules.

Ang Austere medicine ay tumutukoy sa pre-hospital medical care, o sa lugar na may limitadong kagamitan at hindi angkop na kapaligiran.

Ani Castillo, isinagawa ang isang “mass casualty simulation exercise” upang suriin ang kakayahan ng mga lumahok pagdating sa triage, at pagpapakalma sa pasyente na sangkot sa simulated mass casualty scenario gamit ang kaalaman at kakayanan na natutunan nila sa academic sessions.

“The SMEE and mass casualty simulation exercise cultivated a collaborative environment where participants were able to share knowledge and expertise in austere and expeditionary medical care. This also prepared them to better respond to future medical threats in austere environments where humanitarian assistance and disaster relief missions are performed,” idinagdag pa niya.

Ang PAR-23 runs ay tatakbo mula Agosto 14 hanggang 18 na may kabuuang 779 participants mula sa PAF, Philippine Army, maging ang kanilang counterparts mula United States, Japan, Indonesia, Malaysia, Bangladesh, Brunei, Canada, Maldives, Mongolia, Nepal, Singapore, Sri Lanka at Timor-Leste.

Nakilahok ang mga partisipante sa SMEE, flying training at table-top exercises. RNT/JGC

Previous articleMga pahayag ni Gadon laban kay Justice Leonen, ikinagalit ng IBP
Next article95% ng mga batang Pinoy target bakunahan ng DOH vs vaccine-preventable diseases