Home NATIONWIDE Pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon suportado ng Finance chief

Pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon suportado ng Finance chief

SUPORTADO ni Finance Secretary Ralph Recto ang Inisyatiba na amiyendahan ang economic provisions sa 1987 Constitution sa layuning buksan ang ekonomiya sa mga dayuhang mamumuhunan.

“There are segments in society who think that you need to further liberalize the economy. That’s why they’re pushing for amendments in the economic provisions of our Constitution,” ayon kay Recto.

“I support that initiative personally. I’ve not gotten instruction from the President but I think, the President, to attract more investments will be amenable to amend the charter to liberalize further the economy,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

Sa ulat, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kumumpirma na pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibleng pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Ayon kay Marcos, kailangang gawing mas “investment-friendly” ang economic provisions ng Konstitusyon upang makahikayat ng mga investors.

Nilinaw pa rin ni Pangulong Marcos na hindi talaga ang pagbabago ng Konstitusyon ang kailangang baguhin kung hindi ang mga probisyon para dumami ang investors.

“Frankly speaking that is a prerogative of Congress. If you look at the Constitution walang papel ang executive diyan,” ayon naman kay Recto. Kris Jose

Previous article#CancelledFlight, Huwebes, Enero 15
Next articleVP Sara nagtataka kung bakit inaatake siya ni Romualdez