Home NATIONWIDE Pag-amyenda sa PFDA charter inihirit ng DA chief

Pag-amyenda sa PFDA charter inihirit ng DA chief

MANILA, Philippines- Nanawagan si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na amyendahan ang charter ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) sa layuning palawigin ang tungkulin nito.

Sa isang kalatas, sinabi ni Laurel na kabilang sa dapat na amyendahan sa tungkulin ng PFDA ay “developing and managing marine at agro-industrial estates” sa iba’t ibang panig ng bansa para masiguro na may sapat na food supply.

Ani Laurel, ang pagsasaayos sa PFDA charter ay tugon sa Philippine Rural Development Program (PRDP) sa nilalayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing modernisado ang agriculture sector.

Sinabi pa ni Laurel na ang marine at agro-industrial estates ay dapat na “one-stop shops that will house ports, cold storage facilities, silos, and warehouses to store farm and marine products such as rice, sugar, vegetables, palm oil, and other basic commodities and ensure their stable supply.”

“I’ve seen this model successfully implemented in South Korea and Japan. I hope the World Bank can help us realize this vision,” dagdag na wika ng Kalihim.

Binigyang-diin pa nito ang panukala ng World Bank ukol sa pangangailangan para sa digital transformation sa agrikultura at maging ang pagpapahusay sa logistics ng sektor.

“Definitely, we need a logistics master plan. That is one thing I think is lacking in the DA,” ani Laurel.

Sa kabilang dako, itatalaga naman sa lalong madaling panahon ang isang assistant secretary, na nakatuon lamang sa “logistics” upang matiyak na gagastusin nang maayos ang public funds.

Tinuran pa ni Laurel na nakikipagpulong siya sa mga mambabatas para sa posibleng adjustments sa 2024 budget na mas makabubuti na i-align sa nilalayon ng administrasyong Marcos na itaas ang farm production upang masiguro ang pagkain sa bansa at itaas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda upang maiahon ang mga ito sa kahirapan.

Sa tantiya naman ng gobyerno, 10 milyong magsasaka at mangingisda ang naninirahan na mas mababa sa poverty line sa kabila ng trabahong ibinibigay ng agrikultura para sa isa sa bawat apat na manggagawang Filipino.

Idagdag pa rito, sinabi ni Laurel na “the latest economic data show agriculture’s contribution to the domestic economy shrinking below single digit amid increasing dependence on imports, particularly rice and meat products.”

Ang agricultural trade deficit aniya ng Pilipinas noong 2022 ay dahil sa “higher imports” na katumbas ng P660 billion, tinatayang apat na beses ng budget ng DA para sa susunod na taon.

“We need to scale up and get our priorities straight,” giit ni Laurel.

“I have technically three-and-a-half years to accomplish these things. The DA, under my watch, will do its best to speed things up,” dagdag niya. Kris Jose

Previous article74.5K PDLs pinalaya mula sa mga piitan ng BJMP sa unang 10 buwan ng 2023
Next articlePedopilyang British at US national inaresto ng BI