Home NATIONWIDE Pag-apruba sa RBH 7 target ng Kamara ngayong linggo

Pag-apruba sa RBH 7 target ng Kamara ngayong linggo

MANILA, Philippines- Sinisilip ng Kamara na maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ngayong linggo ang economic Charter change (Cha-cha) measure, ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 7.

“Under the original timeline set by our good Speaker Ferdinand Martin Romualdez, we hope to have final approval before our scheduled adjournment on Wednesday, barring any last-minute delay,” pahayag ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. nitong Linggo.

Inihayag ni Gonzales, isa sa principal authors ng RBH No.7, na ang panukala “will be approved as is without amendment, as recommended by the Committee of the Whole House chaired by Speaker Romualdez”. 

Halos katulad ang RBH No.7 ng RBH No. 6, na ipinanukala sa Senado ni Senate President Juan Miguel Zubiri at nina Senators Loren Legarda at Juan Edgardo Angara. 

Kapwa pinamagatan ang RBH Nos. 6 at 7 na “A Resolution of Both Houses of Congress proposing amendments to certain economic provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, particularly on Articles Xll, XlV and XVl.” 

Kasado sa Miyekules, Marso 20, ang huling sesyon ng Kongreso bago ang Holy Week recess. RNT/SA

Previous articleSen. Imee dumalo sa 31th General Assembly ng Simbayanan ni Maria Multipurpose Cooperative
Next articleWater pressure sa Angat Dam sinisilip bawasan sa pagbagsak ng reservoir