Home NATIONWIDE Pag-asa, Lawak islands sa WPS pauunlarin – Brawner

Pag-asa, Lawak islands sa WPS pauunlarin – Brawner

MANILA, Philippines – Pauunlarin ng Pilipinas ang mga isla sa West Philippine Sea, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner nitong Lunes, Enero 15.

“We’re trying to improve that. Lahat especially mga islands na in-occupy natin. Tuloy-tuloy naman po naman po iyong ginagawa natin iyong pag-develop ng facilities natin,” aniya.

Ani Brawner, kabilang sa mga isla na ide-develop nila ay ang Pag-asa at Lawak islands.

Ang mga islang ito ay bahagi ng Kalayaan Group of Islands, na bahagi ng WPS.

Nang tanungin naman kaugnay sa posibilidad ng negatibong reaksyon ng China sa naturang hakbang, sinabi ni Brawner na inaalagaan lamang ng AFP ang kanilang mga sundalo na nasa lugar at pagbubutihin ang kanilang kondisyon.

“Ang ginagawa lang po natin we’re just trying to make it more liveable, more habitable for our soldiers dahil mahirap talaga ang conditions nila,” ayon kay Brawner.

“May budget na. Incorporated iyan sa budget ng Armed Forces. Every year mayroon tayong budget for the improvement of facilities,” dagdag pa niya.

Noong Disyembre 30, 2023, matatandaan na kinontra ng China ang ideya ng pagtatayo ng civilian facility ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

“Ren’ai Jiao (China’s name for Ayungin Shoal) is an uninhabited shoal,” pahayag ni Chinese foreign affairs ministry spokesperson Mao Ning.

“According to the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) signed by China and ASEAN countries, parties should keep Ren’ai Jiao uninhabited and facility-free,” dagdag pa niya.

Iginiit ni Mao na bahagi ng China ang Ayungin Shoal. RNT/JGC

Previous articleMMDA, handang magbigay ng tulong sa gitna ng transport protest
Next articleMga tsuper na maaapektuhan ng PUV modernization program, tutulungan ng DOTR