Home NATIONWIDE Pag-atake ng Israel sa Gaza walang kinalaman sa mga sibilyan – IDF

Pag-atake ng Israel sa Gaza walang kinalaman sa mga sibilyan – IDF

MANILA, Philippines- Sa pagsiklab ng giyera sa pagitan ng Israel st ng Palestinian militant group Hamas, sinabi ng Israeli military nitong Martes na hindi nito nais madamay ang civilian population sa Gaza Strip.

Sa panayam, sinabi ni Israeli Defense Forces (IDF) Spokesperson Major Libby Weiss na inatasan ang mga residente sa northern Gaza na lumikas patungo sa southern portion ng rehiyon, at nais umano ng Israel na i-“minimize” ang epekto ng giyera sa mga sibilyan.

“The goals of the IDF right now are against Hamas. There is absolutely nothing here against the civilian population of Gaza,” ani Weiss.

“That is why the idea of providing people with warning, telling people in the northern part of the Gaza Strip to evacuate and to move towards the southern end of the Gaza Strip to go south of the Gaza River. This is a warning that we gave several days ago and a warning that still stands,” dagdag niya.

Hinggil sa kondisyon ng mga Pilipino sa Israel, sinabi ni Weiss, “If I know anything about the Filipino people, and I don’t pretend to know, but just from what I see from the horrors of the typhoon, I know that Filipinos are very strong people.”

“We are all devastated with what’s going on here but we also understand that Hamas can’t keep doing this. We understand that we need to fight them and we need to make sure that what happened then cannot happen again and that the rockets don’t keep firing for Israel and all of these things.”

Daan libong Palestinians ang nagtungo sa northern Gaza sa gitna ng banta ng ground offensive ng Israel laban sa Hamas.

Nauna nang ipinag-utos ng Israeli government na putulin ang pagkain, tubig, kuryente at langis sa Gaza, dahilan ng nauubos na water at food supplies sa rehiyon.

Sinabi ng United Nations human rights office sa ulat nitong Martes na posibleng magresulta ang pag-atake ng Israel sa Gaza at evacuation order nito patungong norte sa enclave sa sapilitang paglipat ng mga sibilyan at paglabag sa international law.

Inatake ng Hamas militants ang deadliest attack sa kasaysayan ng Israel noong October 7, nang lusubin ng gunmen ang Israeli towns, na kumitil sa mahigit 1,000 indibidwal at dumukot sa hostages sa Gaza.

Batay sa pinakabagong datos, may kabuuang 2,670 Palestinians na ang nasawi habang 9,600 ang sugatan sa giyera habang1,300 Israelis ang namatay at 3,400 ang nagtamo ng injuries. RNT/SA

Previous articleIsa pang anak ni Francis M, handa nang lumantad!
Next articleTonga health minister nominado bilang sunod na WHO Western Pacific chief