Home NATIONWIDE Pag-atake sa Gaza refugee camp kinondena ng WHO

Pag-atake sa Gaza refugee camp kinondena ng WHO

MANILA, Philippines- Binisita ng mga kawani ng World Health Organization noong Lunes ang isang ospital sa Gaza na tumanggap ng mga casualty mula sa mga nakamamatay na pag-atake  sa isang kampo ng mga refugee.

Ibinahagi sa mga kawani ng WHO ang pagdurusa na dulot ng mga pagsabog, sinabi niUN health chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa X, dating Twitter.

“One child had lost their whole family in the strike on the camp. A nurse at the hospital suffered the same loss,” aniya.

Sinabi ng health ministry sa Hamas na kumigit-kumulang 70 katao ang namatay sa Israeli strikes noong Linggo sa tatlong bahay sa Al-Maghazi refugee camp.

Sinabi ng militar ng Israel na sinusuri ang insidente at nakatuon sila sa internasyonal na batas kabilang ang paggawa ng mga posibleng hakbang upang mabawasan ang pinsala sa mga sibilyan.

Nababalot ng puting bag ang hanay ng mga labi ng mga biktima sa lupa sa Al-Aqsa hospital sa Deir al-Balah, central Gaza, bago ang isang mass funeral. 

Ang mga kawani ng ospital ng Al-Aqsa ay nag-ulat na nakatanggap ng humigit-kumulang 100 casualty mula sa mga pagsabog, sinabi ni Tedros.

“The hospital is taking in far more patients than its bed capacity and staff can handle,” sabi nito.

“Many will not survive the wait,” ayon pa kay Tedros ay iginiit na ang pinakahuling strike sa Gazan community ay nagpapakita na kailangan ng #CeasefireNOW”.

Nagbabala ang WHO na siyam lamang sa orihinal na 36 na ospital ng Gaza ang nananatiling bahagyang gumagana. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCOVID cases inaasahang tataas sa JN.1
Next articleMANIBELA ‘di nawawalan ng pag-asa: Deadline ng PUV consolidation i-extend sana