Home NATIONWIDE Pag-atake sa Russia concert hall kinondena ng DFA

Pag-atake sa Russia concert hall kinondena ng DFA

MANILA, Philippines – Kinondena ng pamahalaan ng Pilipinas ang naganap na mass shooting sa concert hall sa Russia na nag-iwan ng 133 nasawi at mahigit 100 sugatan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, Marso 23, walang Filipino ang nasawi sa pag-atake.

“The Philippines strongly condemns the heinous attack at the Crocus Hall in Moscow on 22 March 2024, which resulted in the loss of innocent lives, caused injuries to several people, and significantly damaged properties,” saad sa pahayag ng DFA.

“We extend our deepest condolences to the bereaved families and wish the injured people speedy recovery.”

Mayroong 10,000 Filipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Russia.

Bagama’t walang naapektuhan, inabisuhan ng DFA ang Filipino community sa Moscow na mag-ingat sa mga pag-atake.

Iniulat ng State-run Sputnik na tatlong katao na nakasuot ng camouflage ang walang habas na namaril gamit ang “automatic weapons” sa Crocus City Hall concert venue sa Krasnogorsk sa Moscow Oblast.

Inako ng ISIS ang pag-atake. RNT/JGC

Previous articlePilipinas ‘di matitinag sa banta ng China sa WPS – task force
Next articleDOH nagluluksa sa pagpanaw ni Dok Gia