Home OPINION PAG-IBIG FUND MEMBERS SAVINGS TUMAAS NG MAHIGIT 11%

PAG-IBIG FUND MEMBERS SAVINGS TUMAAS NG MAHIGIT 11%

UMAKYAT ng 11.45% ang kabuuang collective savings ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund mula buwan ng January 2023 hanggang August 2023 o Php 59.52 billion sa kaparehas na pa­nahon.

Ikinatuwa ni DHSUD o Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar na siya ring chairperson ng eleven-man Pag-IBIG Fund board of trustees ang panibagong record high na pagtaas ng impok ng mga Pilipino, pagpapakita rin ito ng mataas na pagtitiwala at kumpiyansa sa ahensya at maging sa Marcos administration na nagsisikap na maiangat ang buhay ng mas maraming Pilipino.

Maging si President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. ay natutuwa sa lumalaking koleksyon ng Pag-IBIG Fund na nagagamit para pondohan ang home loans at short term loans na pinakikinabangan ng maraming pamilyang Pilipino partikular sa mga socialized housing program sa ilalim ng national flagship prog­ram na “Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino”.

Ayon kay Pag-IBIG Fund chief executive officer Marlene Acosta, kapwa lumago ang mandatory regular savings at ang voluntary MP2 savings.

Tumaas ng 7% ang koleksyon sa regular savings mula sa Php 26.16 billion noong 2022 sa Php 28.03 billion sa kasalukuyan.
Habang nasa 16% naman ang MP2 savings na mula sa Php 27.25 billion noong taong 2022 ay naging Php 31.50 billion sa loob ng walong buwan ng taong 2023.

Noong taong 2022, ang naitalang annual dividend rate para sa regular savings ay nasa 6.33% habang ang MP2 return rate ay nasa 7.03%.

Nagpapasalamat sina secretary Acuzar at CEO Acosta sa business community, sa mga manggagawa at sa mga miyembro na patuloy na nagtitiwala sa paglalagak ng kanilang mga ipon dahil malaki ang naitutulong nito sa pagganap ng Pag-IBIG Fund sa kanyang mandato.

MATERIALS RECOVERY FACILITY PARA
SA E-WASTES O ELECTRONIC WASTES

IPINAPAALAM ng DENR o Department of Environment and Natural Resources na mayroon na itong MRF o materials recovery facility for e-wastes o electronic wastes sa labas ng NCR o National Capital Region at ito ay nasa Barangay Bakakeng sa Baguio City.

Pinasinayaan ito kamakailan sa tulong ng UNIDO o United Nations Industrial Development Organization at ilang pribadong sektor, at nasa operasyon sa loob ng anim na taon o hanggang January 2029.

Ang mga e-waste ay mula sa nasira o mga nakatambak na mga electrical o electronic device katulad ng appliances, tools, toys, at telecommunication equipment.

Paliwanag ng DENR, ang hindi tamang pagtatapon ng mga e-waste ay magdudulot ng polusyon at kontaminasyon ng lupa at possible ng ground water na maaaring makasama sa tao.
Sa kasalukuyan ay may tatlo nang e-waste MRFs sa bansa na nasa Caloocan City, Malabon City at sa Baguio City.

Previous articleLotto Draw Result as of | September 30, 2023
Next articleUSAPANG BARANGAY