Home NATIONWIDE Pag-isyu ng revised PUV modernization guidelines sinisilip sa Nobyembre

Pag-isyu ng revised PUV modernization guidelines sinisilip sa Nobyembre

MANILA, Philippines- Sinisilip ng pamahalaan na ilabas ang revised 2017 Omnibus Franchising Guidelines, ang core policy ng plano ng pamahalaan para sa modernisasyon ng public utility vehicles, sa Nobyembre, ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) officer-in-charge Mercy Leynes nitong Lunes.

Tinanong ni General Santos City Rep. Loreto Acharon ang LTFRB ukol sa mga iminumungkahi nitong pagbabago upang gawing “makatarungan” at “makatao” ang implementasyon ng PUV Modernization Program sa pagdinig ng House Committee on Transportation sa umano’y anomalya sa ahensya.

“May mga concerns, for example, there is [a] discussion on changing the timeline for fleet modernization which is one of the components of the PUVMP,” pahayag ni Leynes, at sinabing nahihirapan ang transport operators sa pagbili ng modern units sa loob ng suggested time frame sa franchising guidelines.

“That is one of the proposed revisions to the new PUVMP guidelines that will be issued with the target of sometime [in] November. May mga draft na nagawa do’n,” dagdag niya.

Inihayag din ni Leynes na sinusubukan ng transport officials na bumuo ng Plan B sakaling hindi pondohan ang PUV modernization plan sa susunod na taon, at binigyang-diin na kailangan nila ng teknolohiya sa pag-monitor sa modipikasyon ng mga ruta.

Aniya, handang magsumite ang LTFRB ng bill proposal para sa legislative framework para sa PUV Modernization Program upang paglaanan ito ng pondo para matuloy ang implementasyon.

Binibigyan ang drivers at operators hanggang Dec. 31 para sa konsolidasyon, na unang bahagi ng modernization plan na mag-aalis sa PUVS, partikular sa mga jeep na mahigit 15 taon na. RNT/SA

Previous articleSelebrasyon ng NCCW sa NBP, matagumpay
Next articleLocal airlines naghahanda na sa pagdagsa ng mga biyahero sa holiday