Home NATIONWIDE Pag-ulan ‘malaking bagay’ sa bumababang lebel ng tubig sa PH dams

Pag-ulan ‘malaking bagay’ sa bumababang lebel ng tubig sa PH dams

196
0

MANILA, Philippines- Biyayang maituturing ang walang humpay na pag-ulan dulot ng southwest monsoon at tropical depression sa mga dam sa gitna ng epekto ng El Nino. 

Sinabi ni PAGASA hydrologist Richard Orendain na nakatulong ang walang tigil na pag-ulan sa mga nakaraang araw sa bumababang water level sa ilang dam sa Luzon. 

Hanggang nitong alas-6 ng umaga, bahagyang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa 178.02 metro mula sa 178.03 metro sa nakaraang araw.

Ang Angat Dam ang nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila, Cavite, Rizal, at Bulacan.

Sinabi ni Orendain na mas mababa ang 1 cm drop sa water level nitong Biyernes kumpara sa 18 cm drop sa nakalipas na araw.

“‘Yung mga pag-ulan ng ilang araw nagslow down ang pagbaba ng Angat Dam. Malaking tulong ‘yun dahil kahapon umulan on the average ng 43 mm sa watershed…Malaking bagay ‘yun,” aniya sa isang panayam.

Idinagdag niya na ang naiipong tubig-ulan sa watershed areas ay maaari ring makapag-angat sa lebel ng tubig sa Angat Dam. “Pababa pa lang sa reservoir so may possibility na tumaas ang Angat Dam,” patuloy niya.

Inaasahan din na makapagpapataas ng lebel ng tubig sa Angat dam ang isa pang bagyo kasunod ng tropical depression Dodong.

Inilahad ni Orendain na kinakailangan ng Angat Dam neeng ds 950 mm ng rainfall – katumbas ng tubig-ulan mula sa halos 3-4 bagyo sa isang buwan– upang maabot ang normal high water level na 210 meters. 

Narito ang water levels sa iba pang dam:

  • Ipo Dam – 99.15 m (up 0.59)

  • La Mesa Dam – 78.51 m (up 0.10)

  • Ambuklao Dam – 742.70 m (down 0.03) 

  • Binga Dam – 567.91 m (down -0.79)

  • San Roque Dam – 236.30 m (up 0.05) 

  • Pantabangan Dam – 178.42 m (up 0.28)

  • Magat Dam – 162.63 m (up 0.21) 

  • Caliraya Dam – 286.39 m (down 0.21) 

Idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño dahil sa mas mainit na temperatura sa equatorial Pacific.RNT/SA

Previous articleDPWH, MMDA pinakikilos vs pagbaha sa Metro Manila
Next articleMagsasaka utas sa kidlat

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here