Home OPINION PAG-UNLAD  NG CALOOCAN PATULOY NA MAKAKAMTAN –  MAYOR ALONG

PAG-UNLAD  NG CALOOCAN PATULOY NA MAKAKAMTAN –  MAYOR ALONG

MATAGUMPAY na naidaos kamakailan ang ika-62 taong anibersaryo ng pagiging siyudad ng Caloocan na pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan, kasama ang mga batang Kankaloo.

Naging katuwang ni Mayor Along ang amang si 1st district Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan at kapatid Coun. Enteng Malapitan sa  pagsasakatuparan ng mga aktibidades para masigurong maayos ang pagdiriwang.

Dekada 60’s ay kilalang  sikat na lungsod  na sa Metro Manila ang Caloocan,  ka-level ang Manila at Quezon city,  pero sa paglipas ng panahon ay unti-unting naungusan ito ng iba pang Local Government Unit ng Kamaynilaan.

At ayon sa mga political at economic expert,  bumagal ang pag-angat ng Caloocan  sa nakaraang limang  dekada, mula early 1960 hanggang early 2010 dahil sa maling  napipili at naiupong mga pinuno’t lider ng bayan.

Mula sa mahigit 50 taon na pagkakahimbing na animo’y  walang direksyon na patutunguhan,  naramdaman ang muling pagsikad ng Caloocan matapos maihalal na alkalde ng lungsod si ngayo’t  Rep Oca Malapitan noong May 2013 election.

Sa unang taon ng termino ay  unang binigyang pansin ng liderato nang noo’y Mayor Oca ang paglilinis, pagkukumpuni at pagsasaayos ng Monumento  na sa mahabang panahon ay itinuring na ‘problem  site o spot’ sa lungsod.

Marumi, nagkalat ang vendors,  ang trapiko ay buhol buhol at higit sa lahat lungga ng mga kriminal na nasa likod ng insidente ng petty crimes tulad ng snatching at holdups subali’t  dahil sa political will, hindi tumagal ng taon ay  naisagawa ang kaayusan ng lugar.

Sumunod na isinakatuparan ang pagtatayo ng 8-storey modern City hall, hospitals, health centers, college at secondary public  school buildings,  pagsasaayos ng kalsada at  mga parke na ngayo’y mga buhay na patunay ng isang maunlad at progresibong Caloocan.

Simula kay dating Mayor na ngayon ay Rep. Oca Malapitan  ipinagpapatuloy  ni Mayor Along Malapitan, sa ngayon ay itinatayo ang  Caloocan North City Hall, Caloocan Government Center, Caloocan Hall of Justice, Caloocan Columbarium and Crematorium, University of Caloocan College of Medicine and Health Sciences  at Caloocan Legislative Building.

Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan  ng  mga ganitong proyekto,  ang pag-unlad ng Caloocan ay patuloy na makakamtan ng  Caloocanian,  pahayag ng batang Malapitan.

Suma total, dahil sa maayos + maaasahan + mapagkakatiwaliang paglilingkod ng ‘Father and Son’ tandem  ni Rep. Oca at Mayor Along =  (o yan ang) ‘Caloocan Today’!

Previous articlePAO HELPS  MAN MISTAKEN AS TERRORIST LEADER BE FREED
Next article‘WRIT OF AMPARO’ NINA CASTRO AT TAMANO