Home NATIONWIDE Pag-uwi sa Pinas ng PH team mula sa quake-hit Turkey,  maaaring mapaaga...

Pag-uwi sa Pinas ng PH team mula sa quake-hit Turkey,  maaaring mapaaga – OCD

MANILA, Philippines- Posibleng umuwi nang maaga kaysa sa inaasahan ang Philippine contingent mula sa quake-ravaged Turkey.

Nag-deploy  kasi ang Pilipinas noong Pebrero 8 ng  82-person response team para tumulong sa search, rescue, at relief efforts matapos ang magnitude 7.8 earthquake na tumama sa southern Turkey.

Ang mga ito ay dumating sa Istanbul noong Pebrero 9 at kagyat na tumuloy sa kanilang ‘area of assignment.’

“Kung talagang wala nang gamit , we can cut short their stay there. We can pull them out already,” ayon kay Office of Civil Defense (OCD) spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

“Second, they can transfer to another site. Pero ‘yan naman depends on the local authorities and the situation on the ground. We will assess and talk with them, and hopefully come up with recommendations for them either to stay and finish the 2 weeks or cut short ang kanilang stay doon kasi very minimal na ang activity.” dagdag na wika ni Alejandro.

Aniya, naging maayos at maganda ang naging pagtugon ng  team  sa  kanilang retrieval operations at medical missions.

Simula aniya nang  magsimula sila sa kanilang operasyon sa  Adiyaman Province noong Pebrero 10,  sinuyod ng  urban search at rescue team ang 36 gusali na winasak ng lindol. Naka-recover ang mga ito ng 4 na patay.

Sa kabilang dako, ginamot naman ng emergency medical assistance team ang 353 pasyente.

Tiniyak din ng team ang kapakanan ng Philippine contingent na may naka-standby  na doktor at nars.

“Sa data ng medical team, padami nang padami ang mga pasyente na tinitignan nila,” ayon kay Alejandro sabay sabing“So far, puro outpatient itong tinitignan nila. Ang category ng ospital na itinayo doon is just to cater to outpatients. Walang surgery na ginagawa.” Kris Jose

Previous articleASF vax sa Pinas, malapit na!
Next articleKASAMBAHAY SA LOOB NG HALOS 40 TAON, WALANG NATATANGGAP NA 13TH MONTH PAY