Home NATIONWIDE Pagadian Airport isasara ng isang buwan

Pagadian Airport isasara ng isang buwan

MANILA, Philippines – Naglabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa pansamantalang pagsasara ng runway ng Pagadian Airport para bigyang-daan ang rehabilitasyon nito simula Abril 15 hanggang Mayo 15, 2024.

Upang maiwasan ang mga hard landing at upang matiyak ang kaligtasan ng mga inbound at outbound flight sa paliparan, isasagawa ang emergency repair ng concrete runway na tatagal ng isang buwan.

May kabuuang 34 concrete block ang kailangang palitan na marami sa mga ito ay matatagpuan malapit sa runway centerline na isang critical area para sa Aircraft operation.

Ang Pagadian Airport ay nagpapatakbo ng apat na regular flight araw-araw, kaya ang isang buwang pagsasara ay inaasahang makakaapekto sa humigit-kumulang 120 flight.

Dahil dito, hinihikayat ng CAAP ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline para sa tulong ng rerouting ng kanilang mga flight. Dave Baluyot

Previous articleTransport rally sasalubong sa Lunes Santo
Next articleDeadly Pertussis pumasok na sa Bulacan