Home METRO PAGASA: ‘Dangerous’ heat index naitala sa ilang lugar sa Bicol, Visayas

PAGASA: ‘Dangerous’ heat index naitala sa ilang lugar sa Bicol, Visayas

386
0

MANILA, Philippines- Ilang lugar sa Bicol Region at Western Visayas ang nakaranas ng heat index na 46°C nitong Miyerkules, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Tinukoy ng PAGASA ang heat indices na abot sa 42°C hanggang 51°C  bilang “dangerous” level, na maaaring magresulta sa heat stroke at heat exhaustion.

Naital ang pinakamtaas na computed heat index sa Masbate City; Daet, Camarines Sur, at Catarman, Northern Samar, Marisol Abdurahmann ayon sa ulat.

Base sa PAGASA, ang mag residente ng mga isla ay mas delikado sa posibleng epekto ng mataas na heat index.

“Dahil sila ay napapalibutan ng dagat, so mas maraming available moisture doon sa kanilang area kaya mas maraming na-absorb na init at inilalabas ulit na init,” paliwanag ni PAGASA senior weather specialist Raymond Ordinario.

Samantala, ilang heat-related incidents ang naiulat sa Mindanao.

Sa Lapu-Lapu City Jail Male Dormitory sa Cebu, hindi bababa sa tatlong persons deprived of liberty ang nakaranas ng heat stroke mula April hanggang May dahil sa matinding init.

Sa Zamboanga City, nagresulta ang mataas na temperatura sa hypertension ng isang estudyante.

Inihayag ng PAGASA na inaasahang tatagal ang matinding init ng dalawa hanggang tatlong linggo sa kabila ng pag-ulan. Nag-abiso naman ito sa publiko na uminom ng maraming tubig at iwasang lumabas mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon upang maiwasan ang heat-related illnesses. RNT/SA

Previous articleP10M marijuana, winasak sa Kalinga
Next articleAFP chief bumisita sa EDCA site sa Palawan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here