MANILA, Philippines- Posible ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas ngayong Lunes, Hunyo 12, sa pagdiriwang ng mga Pilipino ng Independence Day, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Iniulat ng PAGASA na posible ang monsoon rains sa Ilocos Region, Zambales at Bataan dahil sa southwest monsoon o habagat.
Samantala, inaasahan din ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, natitirang bahagi ng Central Luzon, Calabarzon, Occidental Mindoro at northern Palawan dahil sa habagat.
Makararanas naman sa natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms,” ayon sa state meteorologists.
Samantala, nakalabas na si severe tropical storm Chedeng ng Philippine area of responsibility. Huli itong namataan 1,550 kilometers northeast ng northern tip ng Luzon, sabi ng PAGASA. RNT/SA