Home NATIONWIDE PAGASA: Temperatura sa Marso-Mayo posibleng pumalo sa 40 °C

PAGASA: Temperatura sa Marso-Mayo posibleng pumalo sa 40 °C

MANILA, Philippines- Posibleng maging isa sa mga pinakamainit ang mga buwan ng Marso hanggang Abril, kung saan maaaring umabot ang temperatura sa 40 °C sa ilang lugar sa bansa, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Services Assistant Chief nitong Martes.

“There’s possibility that March, April and May — which we call warm and dry season months — could be one of the warmest in our record. Historically, we record warmer temperatures during years with prevailing El Niño,” pahayag ni Ana Liza Solis ng PAGASA sa televised briefing.

Posibleng umabot ang temperatura sa ilang lugar, partikular sa Cagayan Valley Region, hanggang 40 °C. Bukod pa ito sa high heat index o temperaturang nararamdaman ng isang indibidwal.

Ani Solis, inaasahan din ng PAGASA ang below-average na bilang ng tropical cyclones ngayong taon dahil sa El Nino.

Mula sa karaniwang average na 19 hanggang 20 kada taon, 13 hanggang 19 tropical cyclones lamang ang inaasahan ngayong 2024.

Samantala, maliit naman ang posibilidad na makaranas ang bansa ng La Niña.

“The uncertainty is too. Some models suggest there’s possibility of La Niña, but what we need to prepare for now are the impending effects of El Niño,” ani Solis.

Kailangan umano ng whole of nation approach.

“Avoid wastage. Conserve water as well as electricity,” giit niya.

Hinikayat din ng opisyal ang publiko na protektahan ang kalusugan laban sa epekto ng mainit na panahon. RNT/SA

Previous article‘Cashless, barrierless’ toll booths sa lahat ng expressways target ng TRB ngayong 2024
Next articleS. China Sea, Myanmar, Gaza tinalakay ng Pinas, Indonesia sa ministerial meet