
MANILA, Philippines – Tatlong indibidwal ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District dahil sa paggawa at pagbebenta ng mga pekeng LTO license card at iba pang dokumento sa Sta. Cruz, Maynila.
Ayon sa MPD, ikinasa ang entrapment operation sa loob ng bahay sa 2111 Vision St., Brgy. 351, Sta. Cruz, Maynila kagabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Jo-An Vicente,42; Kino Hero Lopez,30; at Renz Makuha Garcia,20 anyos at pawang mga taga Tondo, Maynila.
Kinumpiska naman ng mga operatiba ang ilang mga kagamitan na ginagamit ng mga suspek sa paggawa ng mga pekeng card at dokumento tulad ng mga computer monitor, printer, laminating film, resibo at iba pa. Ilang mga drivers license din ang narekober sa lugar.
Bago maaresto ang mga suspek,l umutang ang isang Regular Confidential Informant (RCI) sa tanggapan ng District Special Operations Unit ng MPD at isinumbong ang isang alyas Jo-An na umano’y gumagawa t nagbebenta ng LTO license card at pekeng dokumento.