Home NATIONWIDE Pagbaba sa unemployment rate bunga ng maayos na economic policy – solon

Pagbaba sa unemployment rate bunga ng maayos na economic policy – solon

MANILA, Philippines – Malinaw na indikasyon na gumagana ang mga economic policy na ipinatupad ng administrasyong Marcos kasunod ng pagbaba ng unemployment rate, ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Ang reaksyon ay ginawa ni Barbers kasabay ng ipinilabas na report ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang unemployment rate sa 3.6 porsyento noong Nobyembre mula sa 4.2 porsyento noong Oktubre, o bumaba sa 1.83 milyong Pilipino mula sa dating 2.09 milyon.

Ani Barbers maraming negosyo ang nagbukas kaya naging malaking oportunidad sa mga walang trabaho.

“The President and his economic team, and their allies in Congress, principally the House of Representatives, are on the right track. The newest data indicated that the economy has created more than 200,000 jobs,” ani Barbers.

Kumpiyansa siya na mas darami pa ang mapapasukang trabaho sa bansa kung matutuloy ang isinusulong na pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon para pumasok ang mas maraming dayuhang mamumuhunan.

“More foreign investments will mean more jobs, more economic activities and more income for our people,” giit nito.

Paliwanag ni Barbers, napipigilan ang pagpasok ng foreign capital sa bansa dahil may probisyon sa Saligang Batas na naglilimita sa mga negosyo na kanilang maaaring maging pagmamay-ari.

Ang mga probisyong ito ay hindi maaaring maamyendahan sa pagbalangkas ng bagong batas bagkus kinakailangan na amyendahan ang Konstitusyon. Gail Mendoza

Previous articleALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Pangisdaan street dance competition sa Navotas
Next articleNGCP franchise pinarerebyu sa Kamara