MANILA, Philippines- Tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na mag-aamyenda sa fixed term para sa mga pinuno ng major service command ng AFP.
Batay sa nilagdaang amendment ng Pangulo na Republic Act 11939, mababawasan ang fixed term ng major service commanders sa dalawang taon mula sa tatlong taon.
Sinasabing ito ay ang Philippine Army Chief, Philippine Airforce Chief at Philippine Navy Chief gayundin ang Philippine Military Academy Superintendent.
Gayunman, mananatili naman sa 3 year fixed term ang tour of duty ng AFP Chief of staff.
Nakapaloob din sa amendment ang pagpapalawig pa ng isang taon sa serbisyo ng mga may ranggong 2nd lt o ensign hanggang Lt Gen o Vice Admiral.
Sinasabing, mula sa 56 taong gulang ay magiging 57 na ang retirement age ng mga nabanggit na ranggo.
Pinirmahan ng Pangulo ang pag-aamyenda ng RA 11709, araw ng Miyerkules, Mayo 17, 2023. Kris Jose