Home NATIONWIDE Pagbabalik ng klase sa Hunyo, isinusulong

Pagbabalik ng klase sa Hunyo, isinusulong

714
0

MANILA, Philippines- Isang House Bill ang inihain sa Kamara ni Ilocos Rep. Ronald Singson na humihiling na ibalik sa buwan ng Hunyo ang pagbubukas ng klase.

Sa kanyang House Bill No. 8508 iginiit ni Singson na ang pagbubukas ng klase tuwing unang Lunes ng buwan ng Hunyo ang siyang tamang pagbubukas ng klase kung ikokonsidera ang panahon ng tag-init at tag-ulan.

“While it is difficult to predict the weather due to climate change, the former school calendar is what suits our country best. Should the school calendar be reverted, students, teachers and parents will be spared from the inconvenience and hazards of adverse weather conditions,” paliwanag nito.

Tinukoy din niya ang survey na ginawa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagsasabi na mas maraming guro ang nagsabi na hirap ang mga estudyante na mag-focus sa kanilang pag aaral dahil sa sobrang init.

Nakasaad sa panukala na lahat ng basic education sa bansa kabilang ang foreign at international schools ay mainam na magkakapareho ang opening ng academic year at itakda sa unang Lunes ng Hunyo. Gail Mendoza

Previous article2 babae todas sa brutal na pananaksak sa Plaza Hollywood
Next articleOCTA: Bivalent vax nakapagpapalakas ng immunity vs COVID-19

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here