Home OPINION PAGBABALIK NG PEACE TALK

PAGBABALIK NG PEACE TALK

NAGING maugong muli ang pagbabalik ng peace talk o’ usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army and National Democratic Front of the Philippines.

Ito ay matapos ianunsiyo ni Presidential Peace Adviser Carlito Galvez, Jr. na ang dalawang panig ay may nabuo nang ‘Joint Statement’ na kanilang napagkasunduan para sa intensiyong tapusin ang matagal nang panggugulo at pakikipaglaban ng CPP-NPA-NDFP at magbago nawa ang mga miyembro nito.

Tinawanan lamang ako ni Mang Alberto, ang aking barbero, nang mabanggit ko sa kanya ang nabalitaang isyu, at ang sabi pa sa akin “wala ring patutunguhan yan, gaya nang mga  nagdaang peace talks.”

Tanong pa ng aking barbero, ilan peace talk na ba ang nagdaan? May natapos bang maganda? Eh ‘di ba wala naman?

Iba rin itong si Mang Alberto, barberong may ulo. Parang nakumbinsi niya nga ako sa kanyang mga tanong. Kaya napatanong na rin ako. Bakit nga ba kailangang isulong muli ang peace talks?

“Ang maganda, ituloy na ng pamahalaan ang ginagawang pagtugis sa mga CPP-NPA-NDFP,” ang suggestion pa ni Mang Alberto. Paliwanag pa niya sa panahon daw ng Pangulong Rodrigo Duterte medyo nasentro na ang tunay na paraan para matapos na ang panggugulo ng mga komunistang-terorista.

“Bakit natin tinatawag na komunistang-teroristang at hindi na CPP-NPA-NDFP? Kasi kahit anong sulok na ng mundo terorista na ang samahan o kilusang ito, paliwanag pa ng aking barbero.

Tama nga naman siya, maging tayo ay idineklara nang komunistang-terorista na ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDFP. Bakit nga naman pa tayo makikipag-negotiate sa mga terrorist?

“Dalawang guerilla fronts na lang ang kinu-consider na may pwersa pa ang natitira na lang sa mga komunistang-terorista mga ito. Kakausapin pa ba natin sila? Eh patapos na nga ang laban. Sabi nga ng militar baka matapos nila ito pagtapos ng taong ito 2023. Ilang araw na lang di ba?,” sabi pa sa kin ni Mang Alberto habang papatapos na rin ang paggugupit sa akin.

Bumalik ang ganda kong lalaki, pagtingin ko sa salamin, matapos magupitan ni Mang Alberto. Binigyan ko na din siya ng tip na kasama na ang pamasko.

Pagkaalis ko ng barberya saka sumagi sa aking pag-iisip – ang ‘peace talk’ pala ay isang kwentong barbero lang ang halaga. (Editor’s Note : Baka nga mas mahal pa ang halaga ng kwento ng barbero mo. Samahan mo ba naman ng tip at pamasko Ha! Ha! Ha!)

Previous articleWARDEN HAILS ‘JOY’ FOR JAIL DECONGESTION
Next articleMAGSIKAP VS KABOBOHAN