Home NATIONWIDE Pagbabalik sa lumang school calendar, suportado sa Senado

Pagbabalik sa lumang school calendar, suportado sa Senado

MANILA, Philippines – Sinuportahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang amendments ng Department of Education na ibalik nang dahan-dahan sa dating school calendar sa pre-pandemic April-May school break.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, chairman ng Basic Education panel, na lubhang nahihirapan ang estudyante at guro na pumasok sa paaralan sa panahon na sobrang init ng panahon.

“I fully support the Department of Education’s move to shift the closing of the current academic year from June 14, 2024 to May 31, 2024,” ayon kay Gatchalian sa statement.

“Reverting to the old school calendar will help uphold the safety and well-being of both our teachers and learners. I thank the DepEd for heeding the call of our teachers, learners, and relevant stakeholders in returning to the old school calendar,” giit niya.

Kamakailan, nagpalabas ang DepEd ng Order No. 3 s. 2024, na inaamyendahan ang basic education school calendar bilang “significant step” sa gradual shift tungo April-May school break.

Sa ngayon, ipinaiiral ang school break mula June 1 hanggang July 26 habang magsisimula ang school year 2024-2025 sa July 29 at magtatapos sa May 16, 2025.

Binanggit ni Gatchalian ang survey na isinagawa ng Pulse Asia mula June 19 hanggang 23 noong nakaraang taon na nagpapakitang 80 porsiyento ng 1,200 resondents ang pumayag na ibalik ang dating summer break sa April at May.

“During a public hearing conducted by his panel last year, the Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services pointed out that the current school calendar coincides with fewer days of extreme rainfall and fewer cancellations of classes due to tropical cyclones,” aniya.

Resulta ang pagbabalik sa lumang school calendar ng konsultasyon sa magulang, titser at iba pang basic education stakeholders na gustong ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase upang maiwasan na magsagawa ng klase sa panahon ng tag-araw na mula Abril hanggang Mayo. Ernie Reyes

Previous articleIkalawang Bugatti sports car na pinaghahanap ng BOC, natagpuan na
Next articleCha-cha debate ng Kamara diringgin sa susunod na linggo