Home NATIONWIDE Pagbagsak ng China rocket debris ibinabala ng PhilSa

Pagbagsak ng China rocket debris ibinabala ng PhilSa

MANILA, Philippines – INIULAT ng Philippine Space Agency (PhilSa) na ang mga bumagsak na debris mula sa inilunsad na Chinese rocket ay maaaring makapagdulot ng panganib sa coastal communities at mandaragat sa pamamagitan ng drop zones sa western section ng Pilipinas.

Sa isang advisory, araw ng Miyerkules, kinumpirma ng PhilSa ang paglulunsad ng Long March 3B rocket ng China mula Xichang Satellite Launch Center sa Sichuan, China ng alas- 11:26 ng umaga noong Disyembre 26, araw ng Martes.

Ang debris mula sa rocket launch ay “projected to have fallen within the identified drop zones” humigit-kumulang na

68 nautical miles mula Rozul Reef at 116 nautical miles mula sa Ayungin Shoal.

“Following the launch, PhilSA advises on the potential risks that may incur to ships, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone of the debris,” ayon sa Philsa.

Winika pa ng Philsa na posible na “the remaining rocket debris may float around the area and may wash toward the nearby coasts in the future.”

Kaya nga, hinikayat nito ang publiko na kagyat na kontakin ang mga awtoridad sakali’t may makitang pinaghihinalaang debris, binalaan ang mga ito laban sa “retrieving or coming in close contact with these materials that may contain remnants of toxic substances such as rocket fuel.”

Ang detalye ng rocket drop zone ay ipinagbigay-alam sa pamamagitan ng Notice to Airmen (NOTAM) warning ng isang “aerospace flight activity.”

“it disseminated a pre-launch report to relevant government agencies and authorities before the launch,” ayon sa PhilSa.

Ang Ayungin Shoal ay itinuturing na “rich fishing ground” na matatagpuan sa 105.77 nautical miles mula Palawan at matatagpuan sa loob ng Philippines’ 200-nautical mile Exclusive Economic Zone (EEZ).

Habang ang BRP Sierra Madre, isang World War II-era warship ng Philippine Navy ay nakadaong sa Ayungin Shoal simula pa noong 1999. Kris Jose

Previous articleDOH nagpaalala: Mga paputok ‘di laruan
Next article17 Pinoy na nadakip ng Houti ‘di pa alam kung kailan palalayain