Home NATIONWIDE Pagbagsak ng debris ng China rocket, ibinabala ng PhilSa

Pagbagsak ng debris ng China rocket, ibinabala ng PhilSa

MANILA, Philippines – DAPAT nang asahan ang mga nagkalat na debris mula sa Long March 7 rocket na ikinasa ng Tsina na bumagsak malapit sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ng Philippine Space Agency (PhilSA) na ang Long March 7 ay inilunsad, araw ng Miyerkules mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan, China.

“Expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zones” ayon sa PhilSA sa isang advisory.

Tinukoy ng PhilSa ang three drop zones na tinatayang 43 nautical miles (NM), 40 NM, at 52 NM ang layo mula sa Bajo de Masinloc (at maging ang 98 NM mula sa Cabra Island sa Occidental Mindoro).

“Unburned debris from rockets, such as the booster and faring, are designed to be discarded as the rocket enters outer space. While not projected to fall on land features or inhabited areas, falling debris poses danger and potential risk to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone,” ang babala ng PhilSA.

Sinabi pa rin ng ahensiya na ang debris ay posibleng lumutang malapit sa coastal areas.

“Additionally, the possibility of an uncontrolled re-entry to the atmosphere of the rocket’s upper stages returning from outer space cannot be ruled out at this time,” ayon pa rin sa PhilSA.

Dahil dito, pinayuhan ng PhilSa ang publiko na kaagad na ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung makakakita ang mga ito ng pinaghihinalaang debris, at huwag pumunta malapit o kumuha ng anumang bumagsak na materyales dahil mayroong itong toxic chemicals.

Samantala, sinabi ng PhilSA na ipinalaganap din nito ang pre-launch report sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at awtoridad.

“Details of the rocket drop zones were disclosed through a Notice to Airmen (NOTAM) warning of an “aerospace flight activity.”ayon sa PhilSA. Kris Jose

Previous articleP35M ayuda sa landslide, flood victims sa Davao Region inilabas ng Kamara
Next articleKlase sa Davao City suspendido sa sama ng panahon