Home HOME BANNER STORY Pagbaklas sa mga kubol sa mga piitan sa bansa, agad ipinag-utos ni...

Pagbaklas sa mga kubol sa mga piitan sa bansa, agad ipinag-utos ni Catapang

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. sa lahat ng persons deprived of liberty (PDLs) na baklasin ang lahat ng mga kubol o makeshift rooms sa lahat ng piitan sa bansa.

Sa pahayag nitong Sabado, Agosto 19, sinabi ni Catapang na ito ay bahagi ng crackdown ng BuCor sa mga kontrabando sa loob ng mga kulungan.

“We ask them to demolish it for transparency… We need to do this so that we can confiscate contrabands still in possession of PDLs. They are fully aware that we have given them chances to surrender all their contraband but if they still refuse and they are caught red-handed, I’m sorry to say that they will have to stay longer at NBP as we will not hesitate to file charges against them,” pahayag ni Catapang.

Iniulat din ng BuCor na boluntaryong binaklas ng mga PDL sa New Bilibid Prison ang nasa 60 kubol na matatagpuan sa security housing building 1 at 6 NBP North, SHB 9 NBP East Quadrant 4 at SHB 7 NBP West Quadrant 2, habang nagpapatuloy din ang pagbaklas sa mga kubol sa Quadrant 3 Maximum security compound.

Maliban dito, nagbabala rin si Catapang na simula bukas, Agosto 21, ang mga tauhan ng BuCor mula sa Diversified Maintenance Unit ay magsisimulang nang baklasin ang mga kubol na nakalagay pa rin sa loob ng NBP.

Inatasan naman niya si newly appointed Deputy Director General for Operations, Gil Torralba na pangunahan ang operasyon, at regular na isasagawa ang Greyhound (Galugad) operation sa national penitentiary. RNT/JGC

Previous articleWalang pangako sa China sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal – Arroyo
Next articleComelec magsasagawa ng reprinting sa ilang balota sa BSKE 2023