Home NATIONWIDE Pagbalangkas sa oil spill contingency plan pinangunahan ng PCG sa Batangas

Pagbalangkas sa oil spill contingency plan pinangunahan ng PCG sa Batangas

MANILA, Philippines – Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog ang pagbalangkas ng “Provincial Oil Spill Contingency Plan (POSCOP)” sa Sta. Clara, Batangas City.

Ayon sa PCG, ito ay upang palakasin ang kahandaan at pagtugmain ang mga pagsisikap sa pamamahala ng oil spill response operation sa probinsya.

Sinabi ni PCG District Southern Tagalog Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla, ang POSCOP ay sumasaklaw sa pagtugon, pagkontrol, contain, at pagbawi sa dami ng mga oil discharge na maaaring makapinsala sa mga navigable waters o mga katabing baybayin.

Kasama sa mga bahagi nito ang risk assessment, response strategies, response organization structure, operating procedures, equipment, at logistics. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePura Luka Vega idineklarang persona non grata sa Cebu City
Next articleMga pahayag ni Gadon laban kay Justice Leonen, ikinagalit ng IBP