Home NATIONWIDE Pagbalik sa normal ng lebel ng tubig sa Angat, kailangan pa ng...

Pagbalik sa normal ng lebel ng tubig sa Angat, kailangan pa ng 4 ‘gang 5 bagyo

182
0

MANILA, Philippines – Posibleng bumalik sa normal na lebel ng tubig ang Angat Dam sa Metro Manila kung magkakaroon ng apat hanggang limang bagyo.

Ito ang sinabi ng PAGASA nitong Biyernes, Hulyo 14, kung saan ang isang bagyo ay sapat lamang para umangat ang lebel ng tubig sa minimum operating level na 180 meters, sinabi ni PAGASA hydrologist Richard Orendain.

Ang normal high water level ng dam ay nasa 210 meters.

Nitong Huwebes, Hulyo 13 ay inulan ang malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila dahil sa southwest monsoon o habagat.

Dahil dito, nakatanggap ng hanggang 65 millimeters ng ulan ang Angat watershed, dahilan para bumaba lamang ng isang sentimetro ang lebel ng tubig sa dam mula sa nakaraang araw.

Nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 14, tumaas naman sa 179.09 ang water level sa Angat dam, mas mababa pa rin sa minimum operating level na 180 meters.

Ipinaliwanag naman ni Orendain na mayroong lag time na 18 hanggang 24 na oras para makarating sa reservoir ang mga ibinuhos na tubig-ulan.

Ayon kay Hydrometeorology Division Chief Engr. Roy Badilla, bagama’t patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa watershed, hindi pa rin ito sapat para mapataas ang water level ng Angat Dam. RNT/JGC

Previous articleBala sa ulo ipinambayad ng customer sa negosyante
Next articleMas maraming ‘pro-people’ bills target ipasa sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here