Home NATIONWIDE Pagbangga ng barko ng Tsina sa PH boats kinondena ng US, Canada

Pagbangga ng barko ng Tsina sa PH boats kinondena ng US, Canada

MANILA, Philippines- Inulan ng pagbatikos ang insidente ng pagharang at pagbangga ng Chinese vessels sa mga barko ng Pilipinas habang nasa gitna ng resupply mission para sa  mga sundalo sa BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea (WPS).

Iniulat ng National Task Force for West Philippine Sea (NTF-WPS), ang mapanganib na pagmamaniobra ng China Coast Guard (CCG) na nagresulta sa pagbangga sa contracted resupply boat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang isa pang insidente ng pagbangga ng Chinese militia vessel sa patrol vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi ng Ayungin Shoal.

“The United States condemns [the People’s Republic of China]’s latest disruption of a legal Philippine resupply mission to Ayungin Shoal, putting the lives of Filipino service members at risk,” ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson sa X (Twitter) account nito.

Aniya, ang Estados Unidos “stands with our #FriendsPartnersAllies in protecting Philippine sovereignty and in support of a #FreeAndOpenIndoPacific.”

Sa kabilang dako, kinondena rin ng Canadian Embassy ang tinatawag nitong “unlawful and dangerous conduct” ng Chinese vessels, na sinasabing unjustified.

“China has no lawful claim to the West Philippine Sea. Its actions are incompatible with the obligations of a signatory to the UN Convention on the Law of the Sea,” ayon sa Candian Embassy.

Nauna rito, sinabi ng West Philippine Sea task force na ang “dangerous blocking maneuvers” ay isang paglabag sa  Philippine sovereignty at sovereign rights at maging sa international law.

Inihayag ng Canadian Embassy ang suporta nito “for a rules-based order in the South China Sea consistent with international law, including UNCLOS and the 2016 arbitral decision, which is final and binding on the parties.”

Hindi naman nagpartisipa ang China sa  arbitral trial at binasura ang 2016 decision.

Winika  =naman ni  Ambassador of Japan sa Pilipinas na siya ay  “seriously concerned about and alarmed” by the incident.

“Japan strong opposes any unilateral attempts to change the status quo by force or coercion,” ang pinost ni Ambassador Koshikawa Kazuhiko sa kanyang X account, sabay sabing suportado ng Japan ang posisyon ng Pilipinas.

Samantala, sinabi ng Canada, na ang Pilipinas ay nasa ‘core’ ng  Indo-Pacific strategy nito. Kris Jose

Previous articleTumatakbong kagawad patay sa pamamaril
Next articleDA walang nakikitang dahilan sa muling pagpapataw ng rice price cap