Home NATIONWIDE Pagbasura sa bagong tax bills patuloy na ilalaban ni Escudero, consumer groups

Pagbasura sa bagong tax bills patuloy na ilalaban ni Escudero, consumer groups

Manila, Philippines-Nabuhayan ng loob ang mga consumer protection group na huwag bitawan ang laban sa balakin ng mga ahensya ng gobyerno na magpataw ng mga panibagong buwis na lalong magpapalugmok at mga ordinaryong Pinoy sa kahirapan.

Sinabi ni RJ Javellana, Jr., pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters na malaking bagay sa kanila ang suportang natatangap sa kanilang ipinaglalaban, lalo na sa mga mambabatas sa pangunguna ni Senador Chiz Escudero.

Isa isang panayam, tiniyak ni Escudero na kanyang haharangin ang lahat ng mga bagong panukalang batas dahil aniya, hindi ngayon ang panahon para dito. Kasama na sa kinikwestyon ng senador ang balak ng  Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpataw ng 1% creditable withholding tax sa mga online sellers at providers na gumagamit nag iba’t ibang e-commerce platforms katulad ng Lazada, Shopee, Food panda, Gcash at Maya.

Dinagdag pa ni Escudero na sya mismo ang mananawaga kay Pangulong Bongbong Marcos na harangin ang planong mga bagong buwis alinsunod na rin sa kanyang binitawang pangako noong nakaraang presidential campaign na hindi niya itutulak ang pagpasa ng mga bagong buwis dahil na rin sa kalagayan ng bansa matapos itong sumadsad dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19“If new tax proposals are being assembled, I would ask the President to please press the ‘pause’ button,” giit ni Escudero.

Ikinagalak naman ng UFCC ang naging pahayag ni Escudero.

“Sa ngalan ng aming grupo at ng mga milyong consumers, kami ay nagpapasalamat kay Senator Escudero sa kanyang binitawang salita na haharangin nya ang anomang panukalang buwis na lalong magpapahirap sa ating mga kababayan,” sabi ni Javellana.

“Malaking bagay sa ating ipinaglalaban ang pagpanig sa atin ng isang mambabatas. Itutuloy ng grupo na labanan ang hindi makatarungang pagpataw ng mga bagong buwis na ito,” dagdag pa nito. “Sana ay nakikinig ang Pangulong Bongbong Marcos sa hinaing ng taum-bayan. Pinangako nya noong nakaraang kampanya na hindi siya papabor sa mga anti-poor taxes.”

Samantala, idinagdag na rin ng Digital Pinoys, isa pang consumer group advocate, ang kanilang boses sa pagkondena sa BIR.

“The imposition of 1% withholding tax on e-commerce merchants will hurt small online sellers the most. This is a burden for them and should not be imposed. This digitax will push back the opportunities presented by online selling, which has transformed into the main livelihood of many Filipino families,” ani Digital Pinoy president Ronald Gustilo.

Giit pa nito: “This new tax may do more harm than good as it will have a chilling effect, especially on micro, small and medium businesses that maximize digital technology. It will heavily affect the government’s digitalization campaign for businesses. We may see lesser digital MSMEs if the additional tax pushes through.”  RNT

Previous articleHUWAG MATIGAS ANG ULO SA COVID-19 AT EL NIÑO
Next articleGMA out, Gonzales in bilang senior deputy speaker

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here