MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng isa sa mga dibisyon nito na ibasura ang disqualification case laban kay ACT-CIS party-list Representative Erwin Tulfo.
Sa isang resolusyon, ibinasura ng Comelec en banc ang motion for reconsideration na inihain ng petitioner na si Moises Tolentino Jr., at sinabing ang apela ay isinumite noong Mayo 30, 2023, isang araw na lampas sa itinakdang panahon.
Inulit din ng poll body na wala itong hurisdiksyon sa kaso ng disqualification.
Nakasaad sa mga tuntunin ng Comelec na ang petisyon para sa diskwalipikasyon ng mga party-list nominees ay dapat ihain sa anumang araw na hindi lalampas sa petsa ng proklamasyon.
Inihain ni Tolentino ang petisyon noong Marso 1,2023 o mahigit siyam ba buwan matapos iproklama ang ACT-CIS party-list.
Noong Mayo 30, naupo sa Kamara si Tulfo sa binakanteng pwesto ni Jeffrey Soriano, na nagbitiw noong Pebrero.
“Since respondent (Tulfo), who is the next representative from the list of nominees of ACT-CIS, automatically filled the vacancy in the reserved seat for the said party-list, all questions on his qualification shall now be addressed before the House of Representatives Electoral Tribunal (HRET),” sabi ng Comelec en banc said.
Sa petisyon, ikinatwiran ni Tulfo na hindi siya dapat madiskwalipika dahil sa seryosong pagdududa sa kanyang citizenship at kawalan ng ebidensya na nasilbi na niya ang kanyang sentensiya para sa kanyang libel conviction, na naging final at executory noong 2008.
Sinabi rin ni Tolentino, itinuring na binawi ang kanyang nominasyon nang tanggapin niya ang kanyang appointment bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development.
Bilang tugon, hiniling ng Comelec na ibasura ang petisyon at sinabing ang disqualification case ay isinampa na ‘wala sa oras’. Jocelyn Tabangcura-Domenden