Home METRO Pagbawas sa Angat water allocation pinaghahandaan na ng Manila Water, Maynilad

Pagbawas sa Angat water allocation pinaghahandaan na ng Manila Water, Maynilad

MANILA, Philippines- Sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) concessionaires na pinaghahandaan na nila ang potensyal na pagbawas ng water supply mual sa Angat Dam dahil sa El Niño.

Kamakailan ay pinagplanuhan ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagbawas ng water allocation para sa MWSS dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam mula nang pumasok ang taon.

Ibinahagi ng board nitong Huwebes na kailangan nilang ibaba ang Angat supply mula 50 cubic meters per second (cm/s) sa Marso, sa 46 o 48 sa mga darating na buwan upang mapanatili ang minimum operating level ng dam.

Bagama’t bubusisiin pa ang pagbabago sa alokasyon, nangangahulugan ito na kailangang i-adjust ng Manila Water Co. at Maynilad Water Services, Inc. ang kanilang supply.

“We’ve been planning for contingencies way ahead of the onset [since early last year], through regular maintenance of facilities, water lines, and equipment and continuous non-revenue water [NRW]  recovery through aggressive leak repairs and pipe replacement projects,” pahayag ni Dittie L. Galang, corporate communications head ng Manila Water.

“We also have deep wells across the concession area which are either already operating or ready to start operating should the need arise,” dagdag niya.

“If the allocation is reduced to 48 cm/s at a time when we expect demand to peak, it would be more difficult to meet consumers’ water requirements,” ayon naman kay Jennifer Rufo, corporate communications head ng Maynilad.

“At most, pressure management would be done to manage supply distribution and losses,” patuloy niya.

Ang kasalukuyang lebel ng Angat ay 205.93 meters, na mas mababa ng 12.7 meters kumpara sa spill level nito sa pagtatapos ng 2023. RNT/SA

Previous articleAirline companies nagbabala vs pagbili ng ticket sa socmed
Next article5 klasrum nilamon ng apoy!