Home NATIONWIDE Pagbawi ng lagda para PI tatanggapin ng Comelec – Garcia

Pagbawi ng lagda para PI tatanggapin ng Comelec – Garcia

MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na tatanggapin pa rin nito ang mga form ng mga indibidwal para sa pagbawi ng kanilang lagda sa signature sheets/petisyon para sa People’s Initiative (PI) kahit mayroon o walang dahilan.

“With or without the reason/s, we will accept the withdrawal forms,” mensahe ni Comelec chairman George Garcia.

Ito ang naging sagot ni Garcia makaraang sabihin nina Senators Joel Villanueva at Imee Marcos na hindi na kailangang magpaliwanag ang isang indibidwal kung bakit nila babawiin ang kanilang lagda dahil ito ay kanilang karapatan.

Bukod dito, sinabi rin ng mga senador na hindi rin naman ipinaliwanag sa mga pumirma kung bakit sila kailangang lumagda.

Nauna nang naglabas ang Comelec ng form para sa pagbawi ng lagda sa signature sheets/petisyon para sa People’s Initiative  sa mga layunin ng pagtatala ng mga manipestasyon at para sa intensyong bawiin ang kanilang lagda.

Ang nasabing form ay maaring makuha sa Office of the Election Officer (OEOs) sa buong bansa at maari rin itong isumite sa nasabing opisina.

Ang pagtatanggap ng Comelec sa withdrawal forms ay para sa layunin ng pagtatala lamang at hindi tumatayong pormal na aksyon ng komisyon sa signature sheets/petition para sa People’s Initiatives. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleLand reform program ni Marcos Sr. ipinangako ni PBBM na tatapusin sa 2028
Next articleNat’l summit para sa MATATAG Curriculum pilot implementation umarangkada