Home HOME BANNER STORY Pagbebenta ng P20/kilong bigas sa mahihirap sinuspinde

Pagbebenta ng P20/kilong bigas sa mahihirap sinuspinde

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Cebu governor Gwendolyn Garcia nitong Miyerkules ang agarang suspensyon ng programang nagbibigay-daan na makabili ang mahihirap na pamilya sa  lalawigan ng Cebu ng P20 kada kilong bigas, isang araw matapos ang implementasyon nito.

Ayon sa ulat, sinuspinde ang Sugbo Merkadong Barato Program (SBMP) matapos lumobo ang listahan ng benepisyaryo nito mula 199,000 sa mahigit 300,000. 

Sa ilalim ng SBMP, tutukuyin ng local government units sa probinsya ang indigent families that na kwalipikadong makabili ng rice products na ibebenta sa pop-up shops kabilang ang Kadiwa Store. 

Papayahan ang mga benepisyaryo na makabili ng hanggang limang kilong bigas kada linggo.

Inihayag ni Garcia na susuriin ng provincial government ang listahan ng mga benepisyaryo bago ang posibleng pagbabalik ng programa sa susunod na linggo.

Sinabi pa ng gobernador ng Cebu na pinag-aaralan nila ang posibilidad na direktang mag-angkat ng bigas ang Cebu capital mula sa ibang bansa upang punan ang mga puwang sa demand para sa murang bigas na kasalukuyang sinu-supply ng National Food Authority (NFA).

Naglaan ang provincial government ng P100 milyong pondo para sa programa, kung saan nagmula ang rice supply sa NFA. RNT/SA

Previous articleMga suspek sa Degamo murder case naghain ng not guilty plea
Next article4 dinukot na Chinese nationals natagpuang patay!