MANILA, Philippines – Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang inisyatibo ni Pangulong Ferdinand Marcos na pagbili ng avian flu vaccines para mapasigla ang poultry industry.
Ayon kay Romualdez ang hakbang na ito ay isang mabisang paraan para mapapaba din ang presyo ng manok at itlog sa merkado.
Si Pangulong Marcos ay una nang nakipagpulong sa Department of Agriculture (DA) at sa Indonesian animal health firm na PT Vaksindo Satwa Nusantara.
Sa naging pagpupulong ay tiniyak ng Vaksindo na makipagtulungan sa lokal na partner nito na Unahco Inc. (Univet Nutrition and Animal Healthcare Company) Philippines para sa planong paglalagak ng pamumuhunan na nagkakahalaga ng $2 milyon at pagbebenta sa Pilipinas ng avian flu vaccine.
“The early delivery of Vaksindo vaccines could spur the revitalization of our country’s poultry industry which has faced serious challenges due to the continuing threat of the avian flu,” paliwanag ni Romualdez.
Ipinaliwanag ni Romualdez na bumaba sa 20 porsyento ang produksyon ng itlog sa bansa bunsod ng pagpatay sa hindi bababa sa 10 milyong manok dahil sa avian flu mula noong 2017.
Resulta nito ay nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng itlog sa lokal na pamilihan ha ang ang presyo ng whole chicken ay umabot nasa P200 kada kilo.
“The President is keenly aware of the plight of the poultry industry sector and the engagement with Vaksindo is a positive step towards addressing the problem of avian flu that continues to beset this sector,” dagdag pa ni Romualdez.
“Making avian flu vaccines available to our poultry sector, along with the adoption of best practices, would help ensure we could sustain the encouraging signs of recovery of the industry,”giit pa nito.
Samantala hinimok ni Romualdez ang Senado na maipasa na ang pagtatatag g Virology and Vaccine Institute of the Philippines.
Noong Disyembre ay inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 6452 habang nakabinbin pa ito sa Senado.