Home NATIONWIDE Pagbili ng bagong COVID-19 monovalent XBB jabs bubusisiin pa ng DOH

Pagbili ng bagong COVID-19 monovalent XBB jabs bubusisiin pa ng DOH

MANILA, Philippines- Susuriin ng Department of Health (DOH) kung kailangan o hindi na kukuha ng bagong COVID-19 monovalent vaccines na partikular na tumatarget sa subvariant Omicron XBB, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa nitong Martes.

Sa Palace briefing, sinabi ni Herbosa na hihintayin nila ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) at oobserbahan kung ano ang gagawin ng ibang mga bansa tungkol sa bagong bakuna.

“Apparently, what was discovered was the bivalent isn’t as effective because the bivalent also increases your antibodies to the original, not the later ones. 70% of the antibodies are triggered or still the older ones. So, in that case, it doesn’t really protect you from the newer variant. So, they changed again their formula and created the monovalent XBB,” sabi ni Herbosa.

Kasalukuyang nakalista sa ilalim ng mga kumakalat na variant of interes ng WHO ay ang XBB.1.5, XBB.1.16, at EG.5. Samantala, ang DV.7, XBB, XBB.1.9.1, XBB.1.9.2, XBB.2.3, at BA.2.86 ay na-tag bilang mga variant under monitoring.

Nauna nang pinayagan ng DOH ang pagbibigay ng higit sa 390,000 doses ng bivalent vaccines na ibinigay ng Lithuania sa healthcare workers (A1), senior citizens (A2), at adults with comorbidities (A3).

Sinabi ni Herbosa na ang mga dosis na ito ay naubos na at umaasa na ang mga prayoridad na grupo ay makakuha ng mga COVID-19 shots habang ito ay matatanggap nang libre.

Noong Setyembre ay inanunsyo ng DOH na halos mauubos na ang supply sa bansa ng COVID-19 monovalent at bivalent vaccines, na idiniin na hindi na sila bibili ng karagdagang dosis para mabakunahan ang mga hindi pa nakakukumpleto ng kanilang pangunahing serye ng bakuna o hindi pa talaga nabakunahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBagets actor, nagsori na kay Aiko!
Next articleProseso ng pamamahagi ng fuel subsidies padaliin – PBBM