Home NATIONWIDE Pagbili ng mga dayuhan ng lupa sa Palawan pinaiimbestigahan ng obispo

Pagbili ng mga dayuhan ng lupa sa Palawan pinaiimbestigahan ng obispo

MANILA, Philippines – Hinimok ni Catholic Bishop Broderick Pabillo ang national government na imbestigahan ang mga dayuhan na hindi lang madalas bumisita sa Taytay, Palawan, kundi aktibong bumibili ng mga lupa sa lugar.

Sinabi ng Obispo na dapat imbestigahan yung mga namimili ng mga lupa lalong-lalo na malapit sa West Philippine Sea.

Dapat aniyang tignan kung legit dahil maaring mga gumagamit lamang ng dummy ang mga bumibili ng lupa na umanoy sinasabing mga Chinese o ahente ng mga Chinese.

Simula 2021, nagsisilbi na bilang Vicar Apostolic si Pabillo sa Taytay,Palawan.

Base sa local government website, ang Taytay Palawan ay first class municipality na my 31 Batangas na may kabuuang land area na 134,238 hectares, kung saan 9.5% ng total area ng Palawan.

Ito ay may kabuuang populasyon na 88,416 hanggang Disyembre 2021.

“Taytay is home to the Malampaya Sound, which has long been touted as the country’s “fish bowl”.

It has been said that fish production in this part of Palawan corresponds to a large percentage of the overall market for marine products in the country today,” ayon sa website ng munisipalidad ng Taytay.

“With a total water area of 24,490 hectares and a corresponding catchment area of 42,283 hectares for an overall total o f 77,773 hectares, the sound is home to a wide array of fish spicies and other marine products which eventually reach the big markets like Metro Manila and other parts of the country and even as far as the Asian countries of Hong Kong, Taiwan and Japan,” dagdag pa.

Wala pa silang nakikitang barkong Tsino na gumagala sa kanilang lugar, ani Pabillo ngunit ang higit na ikinaalarma nila ay ang presensya ng mga tao na nagpapahayag ng kanilang interes na bumili ng isang piraso ng kanilang lupa.

“Nagsusumbong na yung mga tao na marami nang umiikot-ikot, na naghahanap ng mabibiling lupa… siyempre hindi naman talaga magpo-front yang mga Chinese. Maghahanap ng Piilipino yan. Pero kung sino ba talaga ang behind them, yung mga Pilipino na naghahanap ng lupa, dapat imbestigahan,” sabi ni Pabillo.

Ang Taytay ,Palawan ay nasa hilagang bahagi ng Palawan kung saan matatagpuan ang El Nido, San Vicente at Coron. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)