Home NATIONWIDE Pagbisita ng UN Rapporteur, walang kinalaman sa ICC probe—PTFOMS

Pagbisita ng UN Rapporteur, walang kinalaman sa ICC probe—PTFOMS

MANILA, Philippines – WALANG kinalaman ang 10-day visit ni United Nations Special Rapporteur (UNSR) Irene Khan sa Pilipinas sa sinasabing ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war sa bansa.

Sa katunayan, nakatuon ang pagbisita ni Khan sa pagsisikap ng administrasyong Marcos na pagtibayin ang “freedom of opinion at expression” at walang kinalaman sa drug war investigation ng ICC.

Si Khan ay special rapporteur on freedom of opinion and expression ng UN.

“ito pong pagbisita ni Miss Irene Khan ay gagawin po nating pagkakataon upang i-highlight po ang katotohanan na ang Pilipinas po ay isang bansang matibay sa pagtutuguyod po ng mga karapatang pantao lalo na po sa ating pamamahayag,” ang paglilinaw ni Undersecretary Paul Gutierrez, executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS).

Tinukoy nito na isa sa mga agenda ni Khan ay makapulong ang ilang opisyal ng pamahalaan at personalidad habang nasa bansa.

Inaasahan naman na makakapulong niya ang mga opisyal ng Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG), Supreme Court (SC), Nationals Security Cluster, at mga lider ng Kongreso.

Inaasahan din na makapupulong niya si dating Senadora Leila de Lima, kung saan una na niyang hiniling na makita ito bago pa ang “temporary release” ng mambabatas.

Kaya nga ang pakiusap ni Gutierrez sa publiko ay huwag gawin at tingnan na kontrobersiyal ang pagbisita ni Khan sa Pilipinas.

At hindi aniya dapat na maalarma ang mga mamamayan dahil ikatlong beses na ito na pagbisita ni Khan sa bansa bilang UN Special Rapporteur sa ilalim ng administrasyong Marcos. Kris Jose

Previous articlePNP Chief sa regional offices: Suriin kung may ‘nawawalang folder’
Next articleHigit 100K trabaho nalikha sa CREATE law – DOF