Home HOME BANNER STORY Pagbisita ni Blinken sa Pinas pinalagan ng Tsina

Pagbisita ni Blinken sa Pinas pinalagan ng Tsina

BEIJING- Iginiit ng China nitong Martes na wala umanong karapatan ang United States na manghimasok usapin sa South China Sea, matapos sabihin ni Secretary of State Antony Blinken na naninindigan ang Washington sa pangako nitong ipagtatanggol ang Pilipinas sakaling magkaroon ng armed attack dahil sa pinagtatalunang teritoryo.

“The United States is not a party to the South China Sea issue and has no right to interfere in maritime issues that are between China and the Philippines,” pahayag ni foreign ministry spokesman Lin Jian sa regular press conference sa Beijing.

Nasa Manila si Blinken– ang ikalawang beses niyang pagbisita mula nang maupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022—bilang bahagi ng maiksing Asia tour upang ihayag ang suporta ng US sa regional allies nito laban sa China.

“Military cooperation between the US and the Philippines must not harm China’s sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea, and still less be used to provide a platform for the Philippines’ illegal claims,” tugon ni Lin ukol sa naunang pahayag ni Blinken.

“China will continue to take necessary measures to resolutely defend its territorial sovereignty and maritime rights and interests, and uphold peace and stability in the South China Sea,” dagdag niya.

Inaangkin ng Beijing ang halos kabuuan ng South China Sea, sa kabila ng pagbasura sa claim nito, batay sa international ruling. RNT/SA

Previous articleResidential area sa QC nilamon ng apoy!
Next articlePangunahing suspek sa Camilon case kinontemp ng Senado