MANILA, Philippines- Nag-umpisa na ang pagboto ng senior citizens, persons with disability (PWDs), at mga buntis sa Muntinlupa City at sa Naga City, Camarines Sur.
Para sa 2023 Barangay and Sangguniang Elections (BSKE), nagsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng pilot test ng early voting para sa tatlong special sectors.
Makaboboto ang mga indibidwal na bahagi ng sektor mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng umaga.
Baga,a’t nagtakda ang Comelec ng special time para sa senior citizens, PWDs, at mga buntis, pinpayagan pa rin silang bumoto sa regular na oras ng pagboto mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Nauna nang ipinaliwanag ng Comelec na binubusisi ang early voting option para sa 2023 BSKE para sa isang batas para rito.
Sa kasalukuyan, mayroong 42,001 barangay sa Pilipinas, parehong bilang ng pwesto para sa chairpersons ng barangay and Sangguniang Kabataan. RNT/SA