Home HOME BANNER STORY Pagbubukas ng alternatibong ruta, mabilisang ayuda sa Davao flood victims ipinag-utos ni...

Pagbubukas ng alternatibong ruta, mabilisang ayuda sa Davao flood victims ipinag-utos ni PBBM

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng mga alternatibong ruta upang masiguro ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga apektado ng baha at landslide sa Davao region.

Sa situation briefing sa Davao City, sinabi ni Marcos na nagpapatuloy ang masusing assessment sa mga apektadong kalsada at tulay.

“‘Yun na muna ‘yung unahin natin…para makadaan ’yung mga responders natin,” anang Pangulo.

“The process is pagka mag-aassess yung public works kung ano ba talaga ‘yung damage then they will have to design the remedy kung ano ‘yung pwedeng gawin. Kung minsan, kung hindi na kaya, we’ll have to build another bridge. So, we still have to see which ones are in that condition,” dagdag ni Marcos.

Inatasan din niya ang mga concerned office na bigyan ang mga apektadong pamilya ng malinis at ligtas na inuming tubig upang maiwasan ang iba’t ibang sakit.

“It’s very important kasi kung hindi sapat ‘yun and if they start drinking from the questionable sources magkasakit pa, outbreak,” ani Marcos.

“We have to provide water supply that is sufficient without bringing in bottled water. So our solution to that has always been to bring water purifiers, some kind of water purifier… you can’t do anything without clean water,” dagdag pa niya.

Nauna nang naglabas ang Office of the President ng karagdagang pondo mula sa Presidential Social Fund na nagkakahalaga ng P265 million.

Ito ay ipamamahagi sa mga apektadong lugar katulad ng Davao del Norte, Davao Oriental, Davao de Oro, Agusan Del Sur, Davao City, Butuan City, Davao Occidental, Agusan del Norte, Cotabato, at Bukidnon. RNT/JGC

Previous articleP50M multa sa mga personalidad na sangkot sa game-fixing, isinusulong ng Senate panel
Next article2 American sex offenders naharang ng BI sa NAIA