Home NATIONWIDE Pagbubukas ng ballot boxes mula sa 2022 poll itutuloy ng Comelec

Pagbubukas ng ballot boxes mula sa 2022 poll itutuloy ng Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na itutuloy ang pagbubukas ng ilang ballot boxes mula sa 2022 elections matapos magpahayag ng suporta ang Commission on Elections (Comelec) en banc sa panukala.

Kamakailan ay muling nanawagan ang mga petitioner na pinamumunuan ni dating Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio ay nag-renew kamakailan ng mga panawagan na idiskwalipika ang Smartmatic bilang bidder dahil sa “seryoso at malubhang iregularidad sa transmission at pagtanggap ng election returns” sa 2022 national polls.

Tinawag ng Smartmatic ang mga akusasyon na “walang batayan lamang na mga haka-haka na may iisang layunin na siraan” ang kumpanya.

Sinabi ni Garcia na ang Comelec at Parish Pastoral Council for Responsible Voting ay nagsagawa na ng manual auditing ng 2022 elections, na nagresulta sa accuracy ng 99.9% at 99.97%, ayon sa pagkakabanggit.

Ayon pa kay Garcia, handa pa ring sagutin ng poll body ang mga gastusin para sa pagbubukas ng mga ballot boxes na pipiliin ng mga petitioner para tuluyang maayos ang isyu.

Makakatulong din ang nasabing proseso sa Comelec sa paghahanap nito ng technology provider sa 2025 elections.

Nauna nang sinabi ng Comelec na target nitong buksan ang mga ballot boxes sa Nobyembre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article6.7% pagtaas sa traffic volume sa EDSA naitala ng MMDA bago mag-Undas, Pasko
Next articleFDA nagbabala sa unauthorized cosmetics