Home IN PHOTOS Pagbubukas ng covered court sa PSAU pinasinayaan ni Sen. Lapid

Pagbubukas ng covered court sa PSAU pinasinayaan ni Sen. Lapid

PINASINAYAAN ni Senador Lito Lapid ang ipinatayo nitong Senator Manuel “Lito” Lapid Covered Court sa Pampanga State Agricultural University (PSAU), Magalang, Pampanga ngayong Lunes, Enero 22.

Ang pondo sa proyektong ito ay nagmula sa allocation ng tanggapan ni Sen. Lapid bilang tugon sa kahilingan ng PSAU sa pamamagitan ng Presidente nitong si Dra. Anita G. David.

Sinimulan ipatayo ang proyekto noong 2019.

Dumalo rin sa blessing and ribbon cutting sina TIEZA COO Mark Lapid, Mayor Maria Lourdes Lacson at Councilor Norman Lacson, Dr. Jeronie Baltazar at faculty ng unibersidad. Cesar Morales

Previous articleNPA leader tiklo sa MisOcc!
Next articlePokwang, minasama ang pagbati ni Lee kay Malia!