Home NATIONWIDE Pagbubukas pa ng ibang Pasig River ferry stations target ng MMDA

Pagbubukas pa ng ibang Pasig River ferry stations target ng MMDA

MANILA, Philippines – Target ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na muling buksan ang ilang istasyon ng Pasig River Ferry Service ngayong taon upang makapagsilbi sa mas maraming pasahero.

Ito ay matapos makita ng ferry service ang pagtaas ng mga sakay nito mula 170,000 noong 2022 hanggang 254,000 noong 2023, sinabi ni MMDA acting chairperson Don Artes noong Biyernes.

Sinabi ng MMDA na target nitong dagdagan ang mga pasahero ng ferry sa 500,000 sa 2024.

Bukod sa muling pagbubukas ng Lawton station malapit sa Intramuros, ang PUP station sa Sta. Mesa, at ang mga istasyon ng Marikina, sinabi ng MMDA na ang bagong istasyon ng Bridgetowne sa Pasig City ay malamang na magbukas din ngayong taon.

“Mayroon po tayong tatlong stations na sana mabuksan ngayong taon na ito,” ani Artes sareporters. “‘Yan po ‘yung sa Intramuros, ‘yung sa Bridgetowne, at ‘yun pong sa may PUP sa Sta. Mesa. Inaayos na rin po ‘yung sa may Marikina.”

Ang Pasig River Ferry Service ay mayroong 13 istasyon na matatagpuan sa Lungsod ng Maynila (Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, Quinta); Pasig City (Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Kalawaan); Mandaluyong City (Hulo); at Makati City (Guadalupe, Valenzuela).

Ang libreng sakay sa ferry ay bukas mula 6 a.m. hanggang 6 p.m. mula Lunes hanggang Sabado na may 15 bangkang umaandar.

Kapag nangyari na ang nakaplanong pagpapalawak, sinabi ng MMDA na ang mga agwat ng oras sa pagitan ng mga biyahe ay maaaring umikli mula 30 minuto hanggang 20 minuto. RNT

Previous articleDurugista timbog sa Valenzuela buy bust
Next articleDFA sa Iran gov’t: Kaligtasan ng Pinoy crew sa binihag na oil tanker, siguruhin