Home NATIONWIDE Pagbuhay sa Bureau of Private Schools sinusulong sa Kamara

Pagbuhay sa Bureau of Private Schools sinusulong sa Kamara

MANILA, Philippines – Iminungkahi ni House Committee on Basic Education and Culture Chairman at Pasig Rep. Roman Romulo ang pagbuhay muli sa Bureau of Private Schools sa ilalim ng Department of Education (DepEd) upang mayroong agad na tutugon sa mga problema ng mga private education institutions sa bansa.

Ang mungkahi ay inihayag ni Romulo kasunod ng naging pagpupulong kahapon ng komite kung saan tinatalakay ang pagpapalawig ng aplikasyon para sa government assistance to students, teachers, and schools in the private basic education (GASTPE) kung saan nais na gawing 13 ang coverage ng financial assistance program mula sa kindergarten, elementary, junior high school at senior high school sa lahat ng private basic education institutions.

Sinabi ni Romulo na kasabay ng pagrebisa sa GASTPE ay dapat buuin na din ang Bureau of Private Schools.

“We want to bring back the Bureau of Private Schools para may consent on the expansion of GASTPE, doon mako-consult ‘yung private schools natin” paliwanag nito.

Kabilang sa tinatalakay ng komite ay ang House Bill Nos. 928, 1723, 5589, 1585, 7666, ani Romulo, sa ilalim ng House Bill 928 ay mabibigyan ng Basic Education Voucher Program ang mga paaralan base sa kalidad ng kanilang pagtuturo at makikita ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng examinasyon sa mga estudyante. Gail Mendoza

Previous articleSinalakay na POGO hub sa Pasay, pugad ng iligal at imoral na aktibidad-Remulla
Next articleRealignment ng CIFs dedesisyunan ng Senado