Home NATIONWIDE Pagbuhos ng investment pledges, indikasyon ng positibong paglago ng ekonomiya

Pagbuhos ng investment pledges, indikasyon ng positibong paglago ng ekonomiya

MANILA, Philippines – Makikita na ang magiging lagay ng bansa sa mga susunod na taon sa naging pagbuhos ng investment pledges sa unang quarter pa lamang ng 2023, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, sa pagpasok ng mga investment ay repleksyon na ito ng polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Batay sa report ng Board of Invesments, naging triple ang naaprubahang investment sa unang quarter ng taon, aabot ito sa P698 billion investments na 203 porsyentong mas mataas kaysa sa P230 billion noong nakaraang taon.

Sa ulat pa ng BOI, ang 155 na proyekto bahagi ng investment pledges ay 43 porsyentong mas mataas kumpara sa 106 na proyekto mula Enero hanggang Hunyo 2022.

Oras na maisakatuparan ito, 29,964 na karagdagang trabaho ang malilikha, o 96 prosyentong mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

P393 billion ang ipinangakong investment ng German companies, sinundan ito ng Singapore (P16.8 billion), the Netherlands (P3.57 billion), France (P2.04 billion) at United States (P1.9 billion).

Ang Western Visayas (Region 6) ang pinaka makikinabang mula sa inaasahang P306 billion na ilalaang investments. Sinundan ito ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) na may P164 million, Ilocos (P55.5 billion), Central Luzon (P28.7 billion) at Metro Manila (P25.6 billion).

Higit sa tatlo sa apat na bahagi o katumbas ng 76.83 percent, ng investment approvals ay may kinalaman sa renewable energy kung saan 30 dito ay solar, habang nagkakahalaga ng P536.5 billion ang para sa wind at biomass projects.

Walo ang patungkol sa information and technology na may halagang P95.5 billion.

Kumpiyansa naman ang BOI na sa magandang itinatakbo nito ay makakamit nila investment approval target ngayon taon na nagkakahalaga ng P1.5 trillion.

“It is a clear vote of confidence in the Philippine economy’s potential and prospects and affirms the soundness of the economic and fiscal policies of President Bongbong Marcos geared towards the attainment of his vision to bring our country to upper-middle income status by 2025,” paliwanag ni Romualdez.

“Likewise, this development signals that the world is responding positively to the President’s vigorous campaign to promote the Philippines as a prime destination for investment and a recognition of our steadfast pursuit of sustainable and inclusive growth,” giit pa nito.

Sang-ayon si Romualdez sa nauna nang pahayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual na magiging premier investment destination ng Asya ang Pilipinas, aniya, ang momentum na ito ay dapat na samantalahin.

“We must continue to work hand in hand with the private sector to create an enabling environment that fosters job creation, economic diversification, and innovation,” saad ni Romualdez.

Muling nitong tiniyak na tututukan ng Kamara ang mga panukala na magsasakatuparan sa hangarin ng Pangulo na mapaangat ang ekonomiya ng bansa, mapababa ang presyo ng batayang bilihin at pataasin ang purchasing power ng bawat Pilipino.

Una na niyang siniguro na sa pagsisimula ng 2nd regular session ng 19th Congress, mabilis aaksyunan ng House of Representatives ang bagong mga priority bills na napagkasunduan sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) at pagtitibayin bago matapos ang taon. Gail Mendoza

Previous articleKahit El Niño, Vietnam magsusuplay pa rin ng bigas sa Pinas
Next articleICC proceedings, pinatututukan ni Tolentino sa SolGen