Home NATIONWIDE Pagbuntot ng Chinese vessel sa PH Navy warship ‘di pa beripikado –...

Pagbuntot ng Chinese vessel sa PH Navy warship ‘di pa beripikado – PCG

80
0

MANILA, Philippines – “Unverified” umano ang ulat na sinusundan ng Chinese vessel ang Philippine Navy warship sa West Philippine Sea ayon sa Philippine Coast Guard.

Dalawang Chinese ships at ang BRP Andres Bonifacio ng Philippine Navy ang umano’y nagsasagawa ng “intercept course” noong Sabado, Pebrero 4, sa West Philippine Sea.

“As of 06 February 2023, the PCG communicates that the said incident report is unverified,” saad sa isang pahayag ng PCG.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na ang BRP Andres Bonifacio ay sinusubaybayan at nakabuntot ang Chinese vessels habang nagsasagawa ng patrol at search mission sa loob ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Ngunit sinabi rin ng PCG sa parehong pahayag na ang impormasyon sa naturang insidente ay nagmula kay Ray Powell, isang American defense and security expert. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePinas, may pinakamaraming nanonood ng vlog sa mundo!
Next article4 Pinoy na ginawang crypto scammer sa Myanmar, sinagip