Home HOME BANNER STORY PAGCOR chief wapakels sa P3-M logo backlash

PAGCOR chief wapakels sa P3-M logo backlash

307
0

MANILA, Philippines — Naninindigan si Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) President Alejandro Tengco sa bagong logo ng kanyang ahensya, sa kabila ng mga batikos na natanggap nito mula sa mga netizens.

Matatandaang naglabas ang Pagcor ng bagong simbolo para sa ika-40 anibersaryo nito.

“Magiging honest ako sa iyo. Hindi ako apektado at all,” ani Pagcor President Alejandro Tengco. “We made a good decision and yung decision na iyon ay paninidigan namin.”

Gumastos ang Pagcor ng P3 milyon para sa rebranding campaign ng ahensya.

Sinabi ni Tengco na ang halaga ay ginamit sa paggawa ng bagong logo at paggawa ng iba pang materyales.

“Hindi lang P3 million yung logo lang. Napakaraming iba pang deliverables na ipinagkaloob mula sa designer tulad (ng) tulad ng mga manual,” paliwanag ni Tengco.

“Mali yung pag-iisip na yung 3 milyon para sa logo lang. (Pero) merong mga aral na ginawa at maraming gamit din ang kailangan pang asikasuhin yung designer,” paliwanag pa niya.

Ang masamang reaksyon sa bagong logo ay nag-udyok ng mga panawagan para sa pagsisiyasat sa House of Representatives. RNT

Previous article1 patay, 26,000 indibidwal apektado ni #DodongPh
Next articlePH, US jets nagsagawa ng ‘dogfight’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here