Home NATIONWIDE PAGCOR kumita ng P58.96B noong 2022

PAGCOR kumita ng P58.96B noong 2022

155
0

MANILA, Philippines- Higit sa doble ang itinaas ng kita ng state-run Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong nakaraang taon.

Ayon sa PAGCOR nitong Huwebes, kumita ito ng “record-breaking feat” na P58.96 bilyon noong 2022, mas mataas ng 66.16% mula sa P35.48  bilyon noong 2021.

Inihayag ng state gaming firm said na ang pinakamalaking contributor sa revenues nito noong nakaraang taon ay mula sa gaming operations na umabot sa P55.05 bilyon.

Mas mataas ito ng 68.71% kumpara sa P32.63 bilyon noong 2021.

“Looking at PAGCOR’s upward revenue trend since the first quarter of 2022 up to the end of the year, as well as the recovery path of other gaming hubs in Asia like Singapore and Macau, we are confident that the Philippine gaming sector will be able to fully recover, or even surpass its pre-pandemic earnings soon,” pahayag ni PAGCOR chairman at CEO Alejandro Tengco.

Iniugnay din ng PAGCOR ang performance noong 2022 sa pagbubukas ng Philippine borders sa local at foreign tourists, na nagpabuti sa travel, entertainment, at hospitality sectors.

“Since the lockdowns were eased in the country last year and gaming venues reopened, customer confidence slowly returned and the attendance in our owned casinos slowly improved. Our licensed casinos likewise recorded a major revenue growth,” ani Tengco.

Sinabi ng state gaming firm na ang kontribusyon nito sa “nation-building,” ay lumago rin ng 51.30% sa P34.67 bilyon mula sa P22.91 noong 2021.

Sa nasabing halaga, napunta ang P26.15 bilyon sa National Treasury bilang 50% government share.

Ayon sa PAGCOR, naglaan ito ng P3.63 bilyon para sa socio-civic programs ng pamahalaan, habang P2.75 bilyon ang ibinigay sa Bureau of Internal Revenue bilang 5% franchise tax.

Samantala, nakatanggap ang Board of Claims sa ilalim ng Department of Justice ng P33.76 milyon, anito.

Sinabi pa ng state gaming firm na nakapag-remit ito ng P1.30 bilyon sa Philippine Sports Commission (PSC) bilang 5% share at karagdagang P64.39 milyong Sports Incentives and Benefits. 

Anito pa, nakatanggap ang mga lungsod na nagho-host ng PAGCOR’s Casino Filipino branches ng P451.72 milyon. RNT/SA

Previous articleP6B UP-PGH cancer center project, binasbasan ng NEDA Board
Next articleSenate probe vs overpriced camera, ipinakakasa ni Pimentel